mahal kita alam mo yun
kahit di pa napapanahon
binigay ko ang tunay na pag-ibig
ngunit luha ang iyong hatid
iniwan mo ako at ipinagpalit
muntikan pang gawing kabit
ako'y iyong binalewala
ginawa mo pa akong tanga
di ko alam ang dahilan
at di ko na rin inalam
hinayaan kang maging masaya
dahil pinili mo sa piling ng iba
ako'y nangakong mamahalin ka
ikaw lamang at wala ng iba
ngunit ng ang pangako mo'y napako
nagbago na ang mundo ko
nagmahal ng iba at naging masaya
nabuhay ang puso at lumagaya
nakalimutan ang hapdi mula sayo
naghilum ang sugat sa aking puso
ngayon ikaw ay bumabalik
sa paglalambing ko ikaw ay sabik
gusto mong tayo ay magsimula
ibigay sayo ang aking tiwala
kung gusto mong tayo'y magkabalikan
pag-ibig nya'y iyong higitan
gawin mo ang lahat
patunayang ika'y karapatdapat
ngunit alam kong wala ng hihigit
pag-ibig mo'y iyong iligpit
pangarap ko ay sya na
tumabi ka't WALA KANG KWENTA